Hazel’s World

Sunny side up! I occasionally add pictures and soon, maybe change them to slide shows… Enjoy browsing!

Archive for August, 2006


The Alchemist by Paulo Coelho

The journey begins with an Andalusian shepherd boy named Santiago who ventures from his homeland in Spain to North Africa in search of a treasure buried In the Pyramids of Egypt.

During the journey, Santiago encountered various characters such as an old man claiming to be the King of Salem, a crystal merchant who lives at a bottom of a hill, an Englishman, a beautiful dusky locale and an Alchemist-All point to the direction of his quest.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Just like the DA VINCI CODE, it all ended where it started. But not to divulge the entire story so you might read it (for those who haven’t yet), Santiago encounters another character that did not "believe" in his dream, who ended up bitter and destructive. Maybe that was the difference. Santiago decided to "go the distance" and pursued his dream at whatever cost and enjoyed the journey.

But what we can all learn from the story are the lessons that Santiago discovered along the way… 

People come and go in our lives and there is always a reason why. Whoever they are and whatever they have done, they leave an impact in how our lives are shaped. We ourselves serve as an instrument to touch, help and heal others who may need or think that they may not need such caring.

Also, that …”A certain point in our lives , we lose control of what’s happening to us and our lives are controlled by fate. That is the world’s greatest lie… (now who have I heard this from? Hmmmmm…) but in pursuit of a dream, one is being constantly subjected to tests of persistence and courage. So one must bot be hasty-nor impatient. If one pushes forward immediately, he would fail to see the signs left by God along the path…”

One should discover their “Personal Legends” A personal Legend is what a person wanted to achieve in life, whether it be to heal, sing, write, teach, travel, dance…and Love should never keep a man or a woman from pursuing their Personal Legends. Once a person learns to wait and let go, only then will that person know how to love without possession… without ownership.

I now realized that all the articles I wrote in this blog, and in myspace entitled Signal no. 2 (sorry, just for the chosen one) has something to do with what I read, watched, experienced (and currently experiencing).

To keep my mind off things, I randomly read (past tense) issues about sex workers, a book by Paulo Coelho, a woman killing her husband because of abuse, empowered women in their 30s (as if..), emotional maturity issues (which I will be blogging, together with that Paulo Coelho book I have learned so much just from one sitting), I also watch(ed) the amazingly brilliant but ever sarcastic Dr. Gregory House and most recently, Kill Bill 1 & 2 – For the First Time (better late than never), which by the way, may be too gory for some, but is an amazing work of art. Quentin Tarantino definitely improved a lot from Pulp Fiction.

Actually, Kill Bill reminded me of someone… (argggg! Plague! Get off my head! xxx)

If only I can log off my brain and restart it again in 50 years…

I need to reboot… 

Mga Kuru-kuro

Syempre pa, Tagalog muna ako, kasi may kakaibang lahi ang nagbabasa ng mga inilalagay ko dito.

Ano bang bago sakin kamo? Wala naman.. May konting pakilig pero hanggang dun lang. Ok na din, at least wala dito. Walang sagabal sa mga gusto kong gawin. Yung nga lang madaming tanong. Mga tanong na walang kasagutan pa sa ngayon.

Mahirap pa lang magsalaysay ng purong Tagalog. Pero ayos din, kasi Linggo ng Wika din pala ngayon. Tamang-tama ang pagkakataon. At napag-uusapan ang mga pagkakataon, tignan mo nga naman, sumabay pa sa kaarawan ko…. Ewan.

Minsan nakakalungkot din na ang mga karamihan sa mga kakilala ko e may kanya-kanya ng mga buhay. At yung akin ay parang di pa nagsisimula. Yung iba kong mga kakilala, tanggap na ng mga magulang ang mga pagkakamaling kanilang pinagdaanan (kung meron man), o kaya’y di masyadong mahigpit sa mga pinili nilang mga desisyon. Hindi naman sa walang pakialam ang magulang nila, wala na lang sigurong magawa. Dahil ika nga e, ang nakaraan ay nakaraan. "Malalaki na kayo at alam nyo na kung papano nyo aayusin ang mga buhay nyo…"

Ako, ano ba ang gusto ko sa buhay ko? Gusto ko lang maging Manager ng isang kumpanya. Maraming pera para makagala, lalaki? Napag-uusapan yan.

Simulan natin sa Bakit Manager lang? Ayaw ko bang Taas-taasan pa ang pangarap ko?

                                           Ayoko…

Kasi karamihan sa kanila (di man lahat), bago nila narating ang mga posisyon nila, marami silang naapakang tao. Isa pa, karamihan din sa mga taong ito, maganda man ang estado sa trabaho, sira naman ang pamilya. Kundi nambababae ang mga ito dahil marami silang pera, e hiwalay sa asawa, o di kaya’y pariwara ang anak,.. Bakit kamo? Kasi wala silang panahon sa mga ito. Ayoko ng ganun. Tamang pagkatapos ng trabaho, e pamilya na. Hindi yung pag uwi mo e trabaho pa rin ang buhay mo. O malas-malasin ka pa, ang mga taong ito, kundi tumandang dalaga, tumandang binata, e tumanda nang bakla. Ayokong maging tulad nila. May pera ka nga, wala ka namang panahong magbakasyon o makasama ang mga mahal mo sa buhay o I enjoy ang pera mo kasi puro ka na lang “meeting, meeting, meeting…” Ibig sabihin nabuhay ka lang ng mga ilang dekada dahil lang sa trabaho? Nakakalungkot.

E bakit ayaw ko ng sarili kong kumpanya kamo? O kaya sariling negosyo? Nakakatamad. Oo tamad ako. Ayoko na kasing isipin ang mga bagay-bagay tulad ng imbentaryo, pasueldo, mga pasaway na empleyado (tulad ko), o kaya ang masaklap, e mga empleyadong nangungupit. Di ba sakit sa ulo? Siguro kasosyo na lang sa negosyo, puwede pa…

Kaya sa totoo lang. Di ko pa alam ang gusto ko sa buhay. Meron pa kong isang taon para magipon at magisip-isip bago ako mag trenta. Huhuhu… Dalawang taon pa, wala na ang edad ko sa kalendaryo…Pero at least, nasa lotto pa ito. Isa pa, siguro kelangan ko na ring i-revamp ang mga kasuotan ko. Nakikita ko ang mga kasamahan ko sa opisina, e parang ganun ako dati…Ano ang nangyari at naging boring akong manamit pag Biyernes?

Mapunta naman tayo sa pangarap kong maraming pera. Ayokong mag-abroad. Kasi mayabang ako. Ayoko ng inuutusan ng ibang lahi maliban na lang siguro kung katulad ng dating expat naming amo, si Mr. Maloney (Sir! We miss you! Asan ka na ba? Puwede ba kong mag-apply senyo???!!!) Masarap lang kasi ang pakiramdam nung nagpunta akong Australia at pinagkakaguluhan nila ang pagsisilbi sa amin ng mga ka-opisina ko. Mga puti ang nagkakagulo para makaupo kami sa mga restaurant, sa mga shopping mall.. Masarap sana kung buong mundo may respeto sa ibang lahi ano? Kaso hindi laging ganito. Kaya sa totoo lang, di ko alam kung sang kamay ng Dios ako kukuha ng pera. Pero kahit ganito, binibigyan pa rin Nya ko. Iba Ka talaga Lord! You’re the Man! Pero naiintindihan ko din naman ang kakaiba ng lakas ng salapi ng ibang lahi kumpara sa piso. Kaya malamang-lamang magbago ang isip ko…

At dahil mayabang ako, ayokong magasawa ng ibang lahi dahil lang sa pera. Naniniwala pa din ako sa wagas na pag-ibig. Takot ko lang, dahil sa mga ganitong pananaw e baka di nako talaga makapagasawa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit di ko masikmura ang makasama ang isang tao na hindi ko mahal dahil lang kelangan ko ng pera? Sa ngayon siguro talagang di ko pa kaya. Ewan ko lang bukas. Sana nga hindi. Pero syempre di natin masasabi. Ang tao pag nagigipit gagawin ang lahat. Hindi ko hinuhusgahan ang mga taong gumagawa nito. Kung sa akin lang e ayoko sana. Malay mo, kainin ko ang sinabi ko balang araw.

Tungkol naman sa pag-aasawa. Parang ayoko din. Sa totoo lang, sa ngayon ayoko pa. Oo, oo na nga… Marahil hindi ko naiintindihan ang mga hindi ko pa nararanasan na minsan masarap may katabi ka sa gabi pagtulog o may katuwang ka sa buhay pero ang hindi ko lang talaga matanggap e ang mga kuwento ng mga kakilala kong nagtitiis na ginugulpe sila, o nambababae ang asawa nila habang pinagbubuntis nila ang una nilang anak, o malaman laman nyang nagka anak pala sya labas… Nakakabaliw isipin. Makakapatay lang talaga ako. Yung isang kakilala ko, andaming utang, wala nang panahon o pera para sa sarili. Inay ko pohhhh… Kaya hindi na muna! Salamat na lang! Mag-isa na lang muna ako sa ngayon. Siguro lang talagang di ko pa nakikita ang katapat ko. At siguro pag nakaharap ko na sya, itataas ko lang ang kilay ko at sasabihing…”Ikaw na ba yan talaga?”

Natatakot ka na ba? Pasensya na. Dasal lang talaga ang kailangan para maiadya tayo o kundi man e patapangin tayo sa mga ganitong pagkakataon. At syempre, kelangan din ng gawa. Gawan natin ng paraan na hindi tayo masira sa mga hagupit ng mga bagyong dadating sa buhay natin.

Maligayang bati sa akin…

Malo

I need to get out of here…